Arestado ang isang indibidwal sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Ilagan City Component Police Station sa Lungsod ng Ilagan noong Pebrero 22, 2025.

Sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ay nasamsam mula sa suspek na kinilalang si alyas “Jong” ang isang pakete ng hinihinalang shabu at isang piraso ng genuine Php1,000 bill kasama ang siyam na pirasong 1,000 scanned/boodle money (buy-bust money).
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni Police Colonel Lee Allen B Bauding, Provincial Director ng Isabela PPO, ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Ilagan CCPS sa matagumpay na pagkakahuli sa suspek at sa hangarin na tuluyang matuldukan ang pagdami at paggamit ng ilegal na droga sa syudad ng Ilagan.
Source: CPPO