Nasabat ng Bacolod City Police Office – Drug Enforcement Unit ang Php3,060,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa naarestong High Value Individual bandang 4:49 ng umaga sa Barangay Banago, Bacolod City nito lamang Pebrero 23, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas Rod, 50 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Taculing, Bacolod City.
Nakumpiska mula sa suspek ang limang knot-tied plastics at limang plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalang shabu na tumitimbang ng 450 gramo at may Standard Drug Price na Php3,060,000.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri naman ni Police Regional Office 6 Director, Brigadier General Jack L. Wanky ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at sa kanilang walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga sa lunsod.
“Ang matagumpay na operasyong ito ay isang patunay sa walang patid na pangako ng ating mga subordinate units at ng PRO 6 sa kabuuan na wakasan ang problema sa ilegal na droga. Gayundin, kinikilala namin ang suporta na ipinaabot ng iba’t ibang stakeholder sa aming agresibong laban sa banta ng lipunang ito”, ani PBGen Wanky.