Arestado ang isang Top 6 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Rape sa isinagawang joint law enforcement operation ng Zamboanga City Police Station 10 katuwang ang 2nd Zamboanga City Mobile Force Company sa MND Building Purok 4 Barangay Labuan, Zamboanga City nito lamang Pebrero 21, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Kimberly Molitas, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Francis”, 33 anyos, lalaki at residente ng Purok 4, Barangay Sinubong, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco