Arestado ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person ng Davao Oriental sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga awtoridad sa Purok Gumamela, Barangay Buso, Mati City, Davao Oriental nito lamang ika-21 ng Pebrero, 2025.
Kinilala ni Police Major Anthony I Gumban, Officer-In-Charge ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas “Kingzon”, 36 anyos, isang barangay tanod at residente ng nasabing purok.
Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay sa Republic Act 7610 na may piyansang Php200,000.
Samantala, ang Police Regional Office 11 ay patuloy sa mga hakbang nito kontra kriminalidad upang matiyak na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino