Nadiskubre ng mga otoridad ang tinatayang Php1,200,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-21 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Colonel James D Mangili, Acting Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba na pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Kalinga PMFC katuwang ang mga tauhan ng Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Kalinga Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may lawak na humigit kumulang na 600 square meters at may nakatanim na mahigit kumulang 6,000 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php1,200,000.
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng binunot na Fully Grown Marijuana Plants ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Kalinga PNP ay patunay na kaisa ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.