Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng City Drug Enforcement Team, Iloilo City Police Station 4, at Regional Police Drug Enforcement Unit 6, ang tinatayang Php1,360,000 halaga ng shabu sa isang High Value Individual sa Barangay San Juan, Molo, Iloilo City nito lamang ika-19 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Captain Ryan Christ Inot, Chief ng City Drug Enforcement Team, ang naarestong suspek na si alyas “Bebot,” 57 taong gulang, at itinuturing na isang High Value Individual.
Sa operasyon, nakuha mula sa suspek ang 14 na heat-sealed na pakete ng pinaghihinalaang shabu, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 200 gramo na may Standard Drug Price na Php1,360,000.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Iloilo City PNP ay patuloy na nagsasagawa ng mga operasyon upang matukoy at matanggal ang mga taong sangkot sa iligal na droga, pati na rin ang mga nagtitinda nito sa nasabing siyudad.
Hinihikayat ng Philippine National Police ang mga mamamayan na makipagtulungan sa mga pulisya upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Aksyon Radyo Iloilo
Panulat ni Pat Glydel V Astrologo