Labrador, Pangasinan (February 23, 2022) – Naaresto ang isang (1) Wanted Person ng Labrador, Pangasinan sa bisa ng Warrant of Arrest sa Barangay Bongalon, Labrador, Pangasinan noong ika-23 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ang operasyon ay isinagawa sa pangunguna ni Police Lieutenant Mark Andew Yampan, Deputy, Chief of Police ng Labrador Municipal Police Station (MPS) kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) Pangasinan Provincial Police Office (PPO), Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Satellite-2 Dagupan City at PNP Maritime Police Precinct ng Sual, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Melba Soriano y Frias, 58 taong gulang, may asawa, negosyante at nakatira sa Barangay Bongalon, Labrador, Pangasinan.
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 (Tax Code) na inilabas ni Hon. Walter Orais Junia, Presiding Judge of Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 39 Lingayen, Pangasinan noong Pebrero 18, 2022 na may Criminal Case No. L-13866 at may rekomendadong piyansa na Php60,000.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Labrador MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Source: Labrador Police Station
###
Panulat ni Patrolman Joshua A Jimenez, RPCADU1