Sunday, February 23, 2025

Php388K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng PNP sa Sarangani Province

Nasabat ang tinatayang Php388,187 halaga ng smuggled na sigarilyo sa dalawang lalaki sa isang COMELEC checkpoint sa Purok Linik, Kiamba, Sarangani Province nito lamang Pebrero 18, 2025.

Kinilala ni Police Brigadier General Arnold P Ardiente, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga suspek na sina alyas “Abas”, na residente ng Pinol Maitum, Sarangani Province at ang kasama nitong si alyas “Alman”, parehong nasa wastong gulang at residente naman ng Palimbang Sultan Kudarat.

Bandang 10:45 ng umaga habang nagsasagawa ng COMELEC checkpoint ang mga tauhan ng Kiamba Municipal Police Station, Regional Intelligence Division -12, at 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company, isang kulay gray na kotse ang pinahinto para sa routine check at nang buksan ng drayber ang bintana ay nakita ng mga pulis ang patung-patong na mga kahon ng sigarilyo.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento ang mga sigarilyo ay walang maipakita ng drayber kaya agad inaresto ng pulisya.

Tinatayang aabot sa Php388,187 ang kabuuang halaga ng 45 reams ng Berlin red cigarettes, at 99 ream ng Fort cigarettes.

Pinaalalahanan din ni PBGen Ardiente ang publiko na maging mapagmasid laban sa ilegal na distribusyon ng mga iba’t ibang produkto gaya ng sigarilyo, alinsunod sa patuloy na kampanya laban sa smuggling at iba pang ilegal na gawain sa rehiyon.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles