Nagbalik-loob ang isang dating rebelde bilang bahagi ng programang Oplan Balik-Loob ng pamahalaan at pagsuporta sa kampanya ng Nueva Ecija Provincial Task Force-ELCAC laban sa insurhensiya sa mga tauhan ng 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company Headquarters, Barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Lunes, ika-17 ng Pebrero 2025.
Pinangasiwaan ni Police Lieutenant Isaias G Salon Jr., CAD PCO sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Early C Bitog, Force Commander.
Kinilala ang nasabing surenderee na si “Ka Carlos”, lalaki, nasa hustong gulang at residente ng Pantabangan, Nueva Ecija.
Nabatid na ang sumuko ay dating kasapi ng Josefino Corpuz Command ng CTG na nag-ooperate sa Nueva Ecija.

Kasabay ng kanyang pagsuko, ay ang pagturn-over ng isang yunit ng homemade 12 Gauge Shotgun na walang serial number at dalawang bala.
Patuloy na isinusulong ng PNP ang mapayapang pagbabalik-loob ng mga dating rebelde sa lipunan bilang bahagi ng pagsisikap na makamit ang pangmatagalang kapayapaan at seguridad sa kanilang nasasakupan.