Nasabat ang tinatayang Php346,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga kapulisan ng Cebu City sa Sitio Front Blessed, Barangay Tejero, Cebu City, noong ika-15 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major John Lynbert Yango, Station Commander ng Police Station 11, Cebu City Police Office, ang suspek na si “Rhym”, 51-anyos na residente ng Ermita Proper, Barangay Ermita, Cebu City.
Bandang 10:30 ng gabi ng ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkasabat ng 16 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 51 gramo at may Standard Drug Price Php346,000, buy-bust money at coin purse.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang kapulisan ng Cebu City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga at anumang uri ng krimanalidad. Ito ay alinsunod sa isa sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang anumang uri ng kriminalidad upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR