Narekober ang Php725,000 halaga ng puslit na gasolina at iba’t ibang produkto sa isinagawang operasyon ng Languyan Municipal Police Station sa Barangay Bakkaw, Languyan, Tawi-Tawi nito lamang ika-15 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Lieutenant Sharif-Ijan Sakib Jumdain, Officer-In-Charge ng Languyan MPS, bandang 11:15 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon galing sa isang concerned citizen ukol sa mga abandonadong dram ng gasolina at diesel.
Kaagad namang rumesponde ang naturang istasyon, at pagdating sa lugar ay tumambad ang 8,000 litro ng diesel na nagkakahalaga ng Php440,000; 4000 litro gasolina na may halagang Php240,000; at iba’t ibang produkto na nagkakalahaga ng 45,000 na may kabuuang halagang Php725,000.
Samantala, muling ipinaalala ng mga awtoridad ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay laban sa smuggling na hindi lamang lumalabag sa batas kundi nagdudulot din ng masamang epekto sa ekonomiya ng bansa.
Ang pagkakakumpiska sa smuggled fuel ay isang patunay ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Veronica Laggui