Arestado ang isang Top 2 Most Wanted Person sa Regional Level sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (14 counts ng Rape) sa Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-15 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ahmad O Sanihin, Chief ng Iligan City Intelligence Unit, ang suspek na si alyas “Denden”, lalaki, 36 anyos, construction worker, at residente ng Zone Pisces, Barangay Saurez, Iligan City.
Naaresto ang suspek bandang 4:20 ng madaling araw sa isinagawang joint police operation ng CIU-CSOU, kasama ang ICPS-2 Tracker Team, CIDMU Tracker Team, mga tauhan ng Ipil MPS-PRO9, at DI-MAPIO.
Ang operasyon ay nagresulta sa matagumpay na pag-aresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 14 Counts of Rape na walang piyansang inirekomenda.
Patuloy ang Iligan City PNP sa pagsisikap na hulihin ang mga kriminal at tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas.