Binawi ang suporta at nagbalik-loob sa pamahalaan ang sampung tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pamunuan ng 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company sa Barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija nito lamang ika-13 ng Pebrero 2025.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Warly C Bitog, Force Commander ng 2nd Nueva Ecija PMFC, kasama ang mga tauhan ng 303rd MC RMFB3, 84th IB 7ID PA at Guimba Municipal Police Station.
Ayon kay PLtCol Bitog, ang mga sumuko ay mga miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) sa ilalim ng Alyansang Manggagawang Bukid ng Gitnang Luzon (AMGL).

Bilang pagtalikod sa mga komunistang teroristang grupo ay nanumpa at lumagda ang mga ito ng Oath of Allegiance.

Samantala, kaugnay sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan, nakatanggap ng mga grocery packs ang mga nagbalik-loob.
Patuloy ang panghihikayat ng mga awtoridad sa mga natitira pang kasapi at tagasuporta ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa ating pamahalaan at makiisa sa iisang layunin na labanan ang insurhensiya at terorismo para sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Jilly A Peña