Arestado ang isang lalaki sa kasong Attempted Rape sa bisa ng Warrant of Arrest sa Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu nito lamang ika-12 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Annidul M Sali, Chief of Police ng Jolo MPS, ang suspek na si alyas “Nijar”, 49 anyos, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Sali, naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek ng mga tauhan ng Jolo MPS katuwang ang 1404th-B, RMFB 14-B, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Attempted Rape na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Patuloy namang nananawagan ang Jolo PNP sa publiko na maging mapagmatyag at agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya