San Manuel, Isabela (February 23, 2022) – Matagumpay na naaresto ng mga kapulisan ng Isabela sa ikinasang drug buy-bust operation ang isa sa Municipal Target Drug Listed Personality sa Brgy. District 4, San Manuel, Isabela noong ika-23 ng Pebrero 2022.
Nadakip ang suspek sa pinagsanib puwersa ng anti-drug operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Isabela Provincial Police Office (PPO), San Manuel Police Station (PS), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) – Isabela PPO at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) 2.
Kinilala ang suspek na si Arjay Yerro, 36 anyos, taho vendor at residente ng Brgy. Nuesa 1, Roxas, Isabela.
Naaresto si Yerro matapos bentahan ang isang PDEA Agent na nagpanggap na poseur-buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Nakumpiska mula sa suspek ay apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php4,760.
Ang suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at 11 (Possession) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad para manatili ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa.
###
Panulat ni Pat Juliet Dayag, RPCADU 2