Walang takas sa mga awtoridad ang isang lalaking Wanted Person na may kasong Attempted Homicide matapos mahuli sa Barangay 25 Paterno Extension, Tacloban City nito lamang ika-11 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major Joselito B Amistoso, Officer-In-Charge ng Tacloban City Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Albert”, 30 anyos at residente ng Barangay 102, Old Kawayan, Tacloban City.
Bandang 12:29 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Tacloban City Mobile Force Company, kasama ang 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Homicide na may inirekomendang piyansa na Php36,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay mas pinaigting ang paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian