Kibungan, Benguet (February 23, 2022) – Dalawang marijuana plantation site ang natuklasan ng pinagsamang operasyon ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) na pinangunahan ni Police Lieutenant Arnel Abellera at ng Regional Intelligence Unit 14 sa Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet dakong 2:00 PM at 5:00 PM ng Pebrero 23, taong kasalukuyan.
Natagpuan ang unang plantation site sa Sitio Camayan, Tacadang na may tinatayang 350 sqm na lupain at nakumpiska ang 55kgs na pinatuyong dahon at tangkay ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng Php6,600,000.
Samantala, natagpuan naman ang ikalawang plantation site sa Sitio Lamagan, Tacadang na may tinatayang 410 sqm na lupain at nakumpiska ang 80kgs na pinatuyong dahon at tangkay ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng Php9,600,000.
Sa kabuuan, nagkakahalaga ng Php16,200,000 ang lahat ng 135 kgs na tuyong dahon at tangkay ng marijuana na nakumpiska.
Agad din sinunog ng mga operatiba ang natuklasang marijuana sa dalawang nasabing sitio.
Tinawag na Oplan Herodotus 2 o Marijuana Eradication kaugnay sa Major Internal Security Operation ang matagumpay na isinagawang operasyon ng Benguet 1st PMFC.
Samantala, walang naitalang nahuli sa operasyon ngunit ayon sa Kibungan MPS, mas papaigtingin nila ang imbestigasyon upang mahuli at mapanagot ang mga lumabag sa batas.
Source: Benguet 1st PMFC
###
PSSg Amyl Cacliong
Tagumpay yan dapat salamat PNP