Naaresto ang isang Top 10 Most Wanted Person sa City Level sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 nito lamang Pebrero 10, 2024 sa Don pedro Celdran, Barangay Tubod, Iligan City.
Kinilala ni Police Captain Michael Angelo C Roldan, Station Commander ng Iligan City Police Station 4, ang suspek na si alyas “Dodo”, 30 anyos, binata, at isang construction worker, residente ng Purok Emmanuel, Barangay Tubod, Iligan City.
Nadakip ang suspek bandang 2:30 ng hapon ng mga tauhan ng ICPS-4, kasama ang mga personnel mula sa CIU-CSOU, RMFB-10 at CIDMU tracker team sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 9165, Artikulo 2, Seksyon 11 (Possession of Dangerous Drugs), na may kaukulang piyansa na Php 200,000.
Layunin ng PNP na ipatupad ang batas at tiyakin ang pagkakaroon ng katarungan at mapanagot ang suspek at maiwasan ang anumang panganib sa komunidad.
Panulat ni Pat Rizza C Sajonia