Arestado ang Top 10 Most Wanted Person sa Regional Level na may kasong paglabag sa Section 12 ng Article II ng Republic Act 9165 sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Fatima, General Santos City nito lamang Pebrero 8, 2025.
Kinilala ni Police Major Ari Noel H. Cardos, Station Commander ng General Santos City Police Station 7, ang suspek na si alyas “Oshen”, 26, at residente ng Zone 6, Block 1, Barangay Fatima, General Santos City.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba sa pangunguna ng General Santos City Police Station 7, RMFB 12 Intelligence Section, Gensan MARPSTA (Marine Battalion) at ang General Santos City Highway Patrol Team.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pag-aresto ng mga taong may sala sa batas ay patunay sa pagpapaigting ng Pambansang Pulisya sa sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad bilang pagsuporta sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon tungo sa isang Bagong Pilipinas.