Nagbalik-loob ang isang kasapi ng Communist Terrorist Group sa mga awtoridad matapos ang mahigit dalawang dekadang pakikisapi sa armadong grupo bilang isang makabuluhang hakbang patungo sa kapayapaan noong ika-7 ng Pebrero 2025.
Kinilala ang sumuko na si alyas Estong, 45 anyos, may-asawa, at residente ng bayan ng Piat at ito ay nagdesisyon na talikuran ang kanyang nakaraan at yakapin ang bagong simula.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2025/02/viber_image_2025-02-10_10-26-22-400.jpg?resize=696%2C919&ssl=1)
Ang pagbabalik-loob ni Estong ay bunga ng pinagsanib na pagsisikap ng PNP Piat, 202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2, at 4th Mobile Force Platoon ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company. Sa kanyang pagsuko, dala niya ang isang homemade na 12-gauge shotgun at isang piraso ng bala.
Base sa paunang imbestigasyon, nagsimula si Estong bilang kasapi ng armadong grupo noong siya ay 15 taong gulang pa lamang, sa ilalim ng pamumuno ni Ka Bernie noong 1995. Matapos ang walong taon ng pakikilahok sa grupo, nagdesisyon siyang umalis dahil sa mga pagsubok at hirap na kanyang naranasan.
Matapos ang kanyang pagsuko, sumailalim si Estong sa debriefing at mga proseso ng rehabilitasyon upang matulungan siya sa kanyang reintegrasyon sa lipunan.
Ayon kay Police Colonel Mardito G Anguluan, Provincial Director ng Cagayan PPO, “Ang matagumpay na pagsuko ng isa pang kasapi ng CTG ay isang makapangyarihang patunay ng patuloy na tagumpay ng ating mga operasyon laban sa insurhensiya at ng hindi matitinag na suporta ng ating mga mamamayan sa hangaring magtaguyod ng kapayapaan.”
Samantala hinikayat naman ni PCol Anguluan ang iba pang kasapi ng CTG na sundan ang halimbawa ni Estong at magbalik-loob sa mga awtoridad upang makamit ang tunay na kapayapaan at pag-asa para sa kanilang mga pamilya at komunidad.
Panulat ni Pat Richelle Ledesma