Himas rehas ang isang Wanted Person sa kasong Robbery sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 4 sa Barangay Tipanoy, Iligan City nito lamang ika-6 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Captain Michaelangelo Roldan, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 4, ang suspek na si alyas “Joji”, 51 anyos, lalaki, driver at residente ng Purok 3, Pindugangan, Barangay Tipanoy, Iligan City.
Bandang 5:30 ng hapon nang isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery.
Patuloy ang Iligan City PNP sa paghuli ng mga Wanted Persons at pagpigil sa kriminalidad para sa mas tahimik at ligtas na komunidad.