Nakumpiska ang Php136,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa tatlong drug suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 6, Barangay Magsaysay, Malaybalay City nito lamang Pebrero 8, 2025.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joepet Paglinawan, Officer-In-Charge ng Malaybalay City Police Station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Tim”, 42 anyos; alyas “Bert”, 28 anyos, isang driver; at alyas “Mark”, 34 anyos, isa ring driver at pawang mga residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 20 gramo at may Standard Drug Price na Php136,000 at iba pang mga paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra iligal na droga para sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng nasasakupan.