Dulag, Leyte (February 22, 2022) – Nagpasalamat ang isang lolo na na-stranded matapos matulungan ng Dulag Municipal Police Station noong Pebrero 22, 2022 sa bayan ng Dulag, Leyte.
Si lolo Santiago Magalso Lado Jr. ay may kapansanan at galing sa Maynila. Patungo sana siya sa kanyang tahanan sa Zamboanga City ngunit ibinaba siya ng bus sa Dulag, Leyte dahil kulang ang kanyang pamasahe.
Masuwerte siyang may isang butihing Samaritang tricycle driver ang lumapit sa kanya at sinamahan siya sa Dulag MPS para humingi ng tulong.
Hindi naman binigo ng mga pulis ang tricycle driver at agad silang nakipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare Development na nagbigay naman ng cash assistance kay Lolo para sa kanyang pamasahe at baon.
Sa pag-alis ni lolo Santiago, baon nya ay ngiti at galak sa kanyang puso sa maayos na pagtulong sa kanya ng pulis at LGU.
###
Panulat ni Patrolman Rialyn B Valdez
Salamat sa mga pulis tunay n nag mamalasakit