Nadiskubre ng mga otoridad ang tinatayang Php160,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants sa isinagawang marijuana eradication sa Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-8 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib pwersa ng mga operatiba na pinangunahan ng mga tauhan ng Benguet 1st PMFC katuwang ang mga tauhan ng Kibungan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Benguet Police Provincial Office, Regional Intelligence Division, Police Regional Office Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2025/02/475687004_595951746669589_4535258001787506684_n.jpg?resize=696%2C522&ssl=1)
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may lawak na mahigit kumulang na 120 square meters at may nakatanim na humigit kumulang 800 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants at may Standard Drug Price na Php160,000.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2025/02/475753615_612529061525039_7584654372095729869_n.jpg?resize=696%2C522&ssl=1)
Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng binunot na Fully Grown Marijuana Plants ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Benguet PNP ay patunay na kaisa ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.