Pormal na inanunsyo ng Philippine National Police ang four-month extension sa termino ni Chief PNP, Police General Rommel Francisco D. Marbil, bilang tanda ng kumpiyansa at tiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pamumuno.
Ayon kay PNP PIO Spokesperson at Regional Director Police Brigadier General Jean S Fajardo sa press briefing nitong ika-6 ng Pebrero 2025 sa Kampo Krame, ipagpapatuloy ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang serbisyong kanyang nasimulan – serbisyong propesyonal at may integridad. Binigyang-diin din niya ang dedikasyon ng Hepe na masiguro ang pagkakaroon ng payapa, maayos, at matagumpay na halalan sa Mayo.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum na nakapetsa noong ika-4 ng Pebrero 2025, na nagsasaad na inaprubahan ng Pangulo ang ‘extension’ ng serbisyo sa gobyerno ni Marbil. Naka-address ang memorandum kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor Remulla.
Orihinal na itinakda ang compulsory retirement ni PGen Marbil sa ika-7 ng Pebrero 2025, kaya ganoon na lang ang pagpapahayag ng Hepe ang kanyang matinding pasasalamat kay Pangulong Marcos para sa pagkakataong ipagpatuloy ang pamumuno sa organisasyon.
“With this extension, I am deeply honored and grateful for the trust, confidence, and unwavering support of our President. I assure him, and the entire Filipino nation, that I will remain steadfast in upholding the PNP’s commitment to serve with integrity, professionalism, and dedication. This extension allows me to focus and work harder on our preparations for the 2025 national and local elections, ensuring that we deliver peaceful, credible, fair, and honest elections,” ani Chief PNP Marbil.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nananatiling determinado ang PNP sa misyong itaguyod ang kaligtasan at seguridad ng publiko, at tinitiyak na walang karahasan, pananakot, o pandarayang maaaring mangyari sa nalalapit na eleksyon.
Malinaw ang pananaw ni PGen Marbil – pamunuan ang organisasyon na malakas, tumutugon, at matatag sa tungkulin nitong lumikha ng mas ligtas at payapang Pilipinas para sa lahat.
Panulat ni Tintin