Nasakote ng Lapu-Lapu City PNP ang higit Php1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Kapaping, Barangay Basak, Lapulapu City, Cebu, noong ika-4 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Dyan V Agustin, Acting City Director ng Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si alyas “No-no”, 32-anyos na residente ng Basak-Eskwelahan, Barangay Basak, Lapulapu City, Cebu.
Bandang 12:21 ng madaling araw ng ikinasa ng kapulisan ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkasabat ng apat na plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 200 gramo at Standard Drug Price na Php1,360,000, buy-bust money at isang sling bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang kapulisan ng Lapu-Lapu City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra iligal na droga. Ito ay alinsunod sa pangunahing prayoridad ng pamahalaan na labanan ang mga sindikato ng droga sa pamamagitan ng pagpigil sa kanilang mga iligal na aktibidad at pagbuwag sa kanilang mga operasyon.
Source: LCPO SR