Wednesday, February 5, 2025

Barangay Kapitan, timbog sa buy-bust ng Ilagan PNP; ilegal na droga at baril, nakumpiska

Timbog ang isang Barangay Kapitan matapos mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa inilunsad na drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Ilagan PNP sa Barangay Cabisera 14-16, Ilagan City, Isabela nito lamang ika-2 ng Pebrero 2025.

Matagumpay na isinagawa ang operasyon sa pinagsanib puwersa ng Ilagan Component City Police Station (ICCPS), Philippine Drug Enforcement Agency at Provincial Intelligence Unit ng IPPO.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jose”, 39 taong gulang at kasalukuyang nakaupong kapitan ng isang barangay sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay PLt Col Jeffrey Raposas, hepe ng Ilagan CPS, nakuha ang isang (1) pirasong transparent plastic sachet na may laman ng hinihinalang shabu na may halagang Php6,800; anim na libong piso; 9mm armscor na may magazine at siyam (9) na bala; at isang puti na Montero SUV.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at COMELEC Gun Ban”.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Antonio P Marallag Jr, Regional Director ng PRO 2, ang mga kapulisan at operatiba sa matagumpay na operasyon. “Magsilbi sana itong babala sa mga halal ng opisyal na maging modelo sa inyong komunidad at huwag pasimuno ng krimen. Habang nalalapit ang halalan, titiyakin nating mananatiling ligtas, payapa, at maayos ang ating rehiyon alinsunod sa pinapairal na batas,” saad pa nito.

Source: PRO2

Panulat ni PSSg Jeff John U Nabasa

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles