Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Iloilo City Police Station 4 at City Drug Enforcement Unit ang maglive-in partner sa isang drug buy-bust operation sa Barangay San Juan, Molo, Iloilo City nito lamang ika-3 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Captain Ryan Christ Inot, Officer-In-Charge ng Iloilo City Police Station 4 at Team Leader ng City Drug Enforcement Unit, ang mga suspek na sina alyas “Jerry,” 54 na taong gulang, at alyas “Elena,” 54 taong gulang.
Nakuha sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, pati na rin ang buy-bust item at Php10,000 na ginamit na buy-bust money. Ang kabuuang timbang ng shabu na nakuha sa mga arestado ay umabot sa humigit kumulang 30 gramo, na may Standard Drug Price na Php204,000.
Nahaharapin ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang mga kapulisan sa kanilang operasyon laban sa iligal na droga sa Iloilo City at umaasa ang lokal na pamahalaan at kapulisan na sa pamamagitan ng mga ganitong operasyon ay matutuldukan ang paglaganap ng mga iligal na gawain sa komunidad.
Source: K5 News FM Iloilo
Panulat ni Pat Glydel V Astrologo