Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang entrapment operation ng Regional Anti-Cybercrime Unit 10 sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 nito lamang Lunes, Pebrero 3, 2025 sa Barangay 34, Cogon, Cagayan de Oro City.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Casan C Ali, Officer-In-Charge ng Regional Anti-Cybercrime Unit 10, ang naarestong suspek na isang 24-anyos na lalaki at ex-boyfriend ng biktima.
Dagdag pa ni PLtCol Ali, bago ang nasabing operasyon, nagreklamo ang biktima na pinagbantaan ng suspek na dati niyang kasintahan na ikakalat o ipo-post ang kanyang mga hubo’t hubad na larawan sa social media kung hindi sumunod sa mga kagustuhan ng suspek.
Kasong paglabag sa Republic Act 9995 o “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009” ang isasampa laban sa suspek.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na protektahan at isulong ang karapatan ng mga kababaihan tungo sa mas ligtas na Bagong Pilipinas.