Arestado ng kapulisan ng Cebu City ang Top 8 Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa Cabreros Street, Barangay Basak San Nicolas, Cebu City, noong ika-1 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Enrico E Figueroa, City Director ng Cebu City Police Office, ang suspek na si “John”, 19-anyos, residente ng Purok Calubi, Aurora, Zamboangan Del Sur.
Bandang 11:00 ng umaga ng maaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay bunga ng pinagsanib pwersa ng Police Station 11, CCPO at Zamboanga Del Sur Municipal Police Station, Provincial Police Office.
Ang Cebu City PNP ay patuloy sa masigasig nitong operasyon sa pagtugis sa mga kriminal upang tiyak na mapanagot sa batas dahil sa Bagong Pilipinas, gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: CCPO SR