Boluntaryong sumuko ang dalawang dating rebelde na nagpapakita ng bisa ng pinaigting na kampanya kontra insurhensiya ng Gitnang Luzon PNP sa Tarlac nito lamang ika-31 ng Enero 2025.
Naging matagumpay ang pagsuko ng mga dating rebelde sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng pulisya at militar, kabilang ang 304th Manuever Company (MC), Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3), Mayantoc Municipal Police Station (MPS) at iba pang yunit.
Kinilala ang mga sumuko na si alyas “Ka Ganneng” (51), dating kasapi ng Komite sa Larangang Gerilya 1 (KLG1) at People’s Organizing Committee (POC).
Sumuko ang naturang dating rebelde sa himpilan ng 304th MC sa Barangay San Jose, Mayantoc, Tarlac, at isinuko ang isang improvised .22 Magnum caliber firearm, isang magasin, pitong bala ng .22 caliber ammunition, at isang MK2 high-explosive hand grenade.
Sumuko rin si alyas “Ka Junnie” (52), dating miyembro ng KLG-TARZAM.
Pumunta ito sa himpilan ng 2nd Tarlac Provincial Mobile Force Company sa Barangay Malacampa, Camiling, Tarlac, dala ang isang .22 long firearm na walang serial number.
Ipinahayag ni Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3, na ang bawat pagsuko ay isang hakbang patungo sa kapayapaan, hindi lamang para sa mga indibidwal na ito kundi para rin sa buong komunidad.
Ang kanilang desisyong iwan ang armadong pakikibaka ay patunay ng epektibong kampanya ng ating pamahalaan laban sa insurhensiya at lumalawak na tiwala sa ating mga alagad ng batas.