Nakiisa ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa Grand Opening Parade ng Panagbenga Festival na nagsimula sa Panagbenga Park at nagtapos sa Melvin Jones, Baguio City nito lamang ika-1 ng Pebrero 2025.
Ang aktibidad ay may temang “Blossoms Beyond Boundaries” na kung saan itinampok sa parada ang mga mayayamang pamana ng Baguio tulad ng iba’t ibang kultura, makukulay na floral floats, at mga masisiglang sayaw ng mga estudyante at mga cultural groups.
Pinangunahan ni Police Brigadier General David K Peredo Jr., Regional Director ng PRO CAR, ang nasabing pakikiisa kasama sina Police Brigadier General Rogeluo Z Raymundo Jr., Deputy Regional Director for Administration; Police Colonel Julio S Lizardo, Deputy Regional Director for Operations; Police Colonel Ledon D Monte, Chief Regional Staff; Police Colonel Ruel D Tagel, City Director ng Baguio City Police Office at iba pang mga tauhan ng PRO CAR.
Samantala, nagtalaga ng hindi bababa sa 1,900 na pulis sa ruta ng parada para sa kaligtasan at seguridad ng mga kalahok at ng mga manonood.
Ang mga tauhan ng PRO CAR ay nananatiling nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at pagtiyak ng kaligtasan ng mga residente at bisita upang magarantiya ang isang ligtas, maayos, at kasiya-siyang karanasan para sa lahat.