Idinaos ang pagtatapos ng Public Safety Field Training Program (PSFTP) ng CL 2023-03 “HIMAGLASIK” ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region nito lamang ika-31 ng Enero 2025 sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz, Regional Director ng PRO BAR, na naging pangunahing pandangal na kinatawanan ni Police Colonel Alan B Manibog, Deputy Regional Director for Administration katuwang ang iba pang opisyales ng PRO BAR na nagpaabot ng pagbati sa lahat ng nagtapos.
Ang CL 2023-03 “HIMAGLASIK” ay binubuo ng 291 Police Non-Commissioned Officers na nagtapos ng anim na buwan ng On-the-Job-Training sa iba’t ibang police station sa rehiyon.
Sa kanilang pagsasanay ay sumailalim sa mahahalagang aktibidad tulad ng community engagement, police visibility, crime prevention initiatives, case handling, at law enforcement operations, na higit pang nagpatibay sa kaalaman at kasanayan bilang bagong kasapi ng Philippine National Police.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PCol Manibog ang kahalagahan ng dedikasyon, integridad, at disiplina sa hanay ng kapulisan.
Hinimok din nito na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin na “To Serve and Protect” para sa kapayapaan at kaayusan ng Bangsamoro region at ng buong bansa.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya