Arestado ang isang Top 8 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Murder sa isinagawang joint law enforcement operation ng Zamboanga del Sur Provincial Intelligence Unit katuwang ang Pagadian City Police Station, Dimafaling Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit 9 sa Purok Nazareth Dos, Sitio Nazareth, Barangay Buenavista, Zambaonga del Sur nito lamang ika-30 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Van Froillan P Tompong, Chief ng Zamboanga del Sur Provincial Intelligence Unit, ang naarestong suspek na si alyas “Quilito”, 49 anyos, lalaki, at residente ng Purok 5, Barangay Josefina, Dimataling, Zamboanga del Sur.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco