Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 2 Provincial Most Wanted Person at miyembro ng Communist Terrorist Group na may kasong Murder matapos mahuli sa Barangay McArthur, Las Navas, Northern Samar nito lamang Enero 28, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Efren”, 67 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Mc Arthur, Las Navas, Northern Samar at miyembro ng FC 1, SRC, EMPORIUM, EVRPC.
Bandang 11:02 ng tanghali ng maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, kasama ang 803rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, 19th Infantry Battalion, Philippine Army at Las Navas Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian