Nasabat ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang Php238,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Nabitasan Lapaz, Iloilo City na isinagawa ng mga operatiba ng Iloilo City Police Station 2 nito lamang ika-28 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Tranquilino P Querubin Jr, Station Commander ng Iloilo City Police Station 2, ang dalawang suspek na isang 38 taong gulang at 63 taong gulang, mga kapwa residente ng nasabing syudad.
Ayon kay PMaj Querubin Jr, nakumpiska sa operasyon ang 12 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na umabot sa kabuuang timbang na humigit-kumulang 35 gramo at iba pang non-drugs items.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang kampanya ng kapulisan sa buong Western Visayas laban sa iligal na droga upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng buong rehiyon tungo sa hinahangad na mapayapang bagong Pilipinas.
Source: PCADG Western Visayas
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat