Muling nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company para sa mga residente ng Barangay San Vicente, Victoria, Tarlac nito lamang Martes ika-28 ng Enero 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Reyson M Bagain, Force Commander ng Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang FALCON Advocacy Support Group.
Matagumpay na naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng Food Feeding Activity na nagbigay ng labis na tuwa at pasasalamat sa mga naging benepisyaryo nito.
Layunin ng programanang ito na maipadama ang malasakit at pagmamahal ng ating Pambansang Pulisya sa ating mamamayan para sa mas maunlad at masaganang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Digna Jane T Malubay