Inihain ng mga tauhan ng Bukidnon Provincial Drug Enforcement Unit katuwang ng Don Carlos Municipal Police Station ang Search and Seizure Warrant para sa Republic Act 9165 at RA 10591 sa dalawang indibidwal sa Purok 6, Sitio New Garcia, San Antonio West, Don Carlos, Bukidnon bandang 12:06 ng hapon noong Enero 29, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jovil L Culaway, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang mga naarestong mga suspek na sina alyas “Tata”, 42 anyos, isang PNP/ PDEA target list [HVI] at residente ng nabanggit na lugar, at alyas “Jun-Jun”, 24 anyos, at residente ng Purok 2, Barangay Kiara, Don Carlos, Bukidnon.
Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang sukat ng heat-sealed sachets na hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 31.4 gramo at maystreet value na aabot sa Php213,520, mga drug parapernallia at isang bala ng Caliber 45.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Pinuri ni PCol Culaway ang mga operatiba sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek at hinikayat ang mga mamamayan na makipagtulungan sa mga kapulisan laban sa mga ilegal na aktibidad upang makamit ang mas ligtas na probinsya ng Bukidnon.