Friday, January 31, 2025

Political Forum at Peace Covenant, isinagawa sa Maguindanao del Sur

Matagumpay na isinagawa ang Political Forum at Peace Covenant sa Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur nito lamang ika-27 ng Enero 2025.

Pinangunahan ng Maguindando del Sur Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Ryan Bobby C Paloma, Provincial Director katuwang ang COMELEC Maguindanao del Sur Office ,Armed Forces of the Philippines, Local Government Unit ng nasabing lugar.

Ang naturang aktibidad na may temang “Safe and Peaceful Election in Maguindanao: Secure and Fair Elections Promoting Equality, Accountability, Cooperation, Empowerment for Unity, and Lasting Peace” ay naglalayong maitaguyod ang mapayapa at maayos na halalan sa darating na eleksyon sa rehiyon.

Dumalo sa forum ang mga kandidato para sa lokal na posisyon, mga lider ng komunidad, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. Isa sa mga pangunahing bahagi ng programa ang paglagda sa Peace Covenant, kung saan nangako ang mga kandidato na panatilihin ang kapayapaan, igalang ang resulta ng halalan, at umiwas sa anumang uri ng karahasan o pananakot laban sa kanilang mga katunggali sa politika.

Sa pagtatapos ng aktibidad, nagkaisa ang mga dumalo sa panawagang gawing inspirasyon ang halalan upang itaguyod ang Bagong Pilipinas—isang bansa na pinapahalagahan ang kapayapaan, pagkakaisa, at tapat na pamamahala.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles