Friday, January 31, 2025

Dalawang indibidwal, huli sa aktong pagpuputol ng kahoy sa bayan ng Baggao, Cagayan

Hindi na nakapalag pa ang dalawang indibidwal matapos mahuli sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa aktong pagpuputol ng kahoy sa bayan ng Baggao, Cagayan noong ika-26 ng Enero 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Tonio, 56 anyos, may asawa, na nahuli sa Barangay Tallang, Baggao; at alyas Bernie, 58 anyos, may asawa na nahuli naman sa Barangay Bitag Grande ng parehong bayan, pawang mga magsasaka at mga residente ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga tauhan ng Baggao Police Station kasama ang mga tauhan ng 204th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2, at Community Environment and Natural Resources Office-Alcala (CENRO-Alcala) ay nagsagawa ng operasyon dahil sa ulat na patuloy ang iligal na pagtotroso sa nasabing bayan.

Nahuli ang mga suspek sa aktong pamumutol ng puno ng G-Melina gamit ang isang chainsaw sa magkaibang barangay nang hilingin ng operatiba ang mga kaukulang dokumento ukol sa permit ng pagpuputol ng puno at ang pagkakaroon ng lisensya ng ginamit na chainsaw, nabigong makapagpresenta ang dalawang suspek na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Oplus_16908288

Narekober mula kay Tonio ang humigit-kumulang 108 board feet ng G-Melina sa iba’t ibang sukat na may tinatayang halaga ng Php4,320.

Samantala, humigit-kumulang 45 board feet ng G-Melina sa iba’t ibang sukat na may tinatayang halaga ng Php1,600.00 ang nakuha naman mula kay Bernie at tag-isang yunit ng chainsaw na parehong mga paso ang lisensya.

Ang mga naaresto maging ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Baggao Police Station para sa tamang dokumentasyon at disposisyon at mahaharap ang dalawa sa mga kasong may paglabag sa Presidential Decree No. 705 (Forestry Reform Code of the Philippines) at Republic Act No. 9175 (Chain Saw Act of 2002).

Source: Cagayan Police Provincial Office

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles