Arestado ang isang individual na tinaguriang Provincial Most Wanted Person sa operasyon ng Bacacay Municipal Police Station sa Bacacay, Albay noong Enero 26, 2025.
Kinilala ni Police Major Edwin B Apun, Acting Chief of Police ng Bacacay Municipal Police Station, ang suspek na isang 25 taong gulang na lalaki, walang asawa, construction worker at residente ng Purok 4 Cabasan, Bacacay, Albay.
Nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Parricide na may Criminal Case No. T-9684 na walang piyansa na nirekomenda.
Patuloy ang operasyon ng pulisya sa pagsugpo ng mga taong may pananagutan sa batas para sa isang ligtas at tahimik na komunidad.
Panulat ni PCpl Doxie Charisse Casasos