Alabel, Sarangani Province (Pebrero 21, 2022) – Nagsagawa ng “KASIMBAYANAN” (Kawani, Simbahan, at Pamayanan) for S.A.F.E (Secure, Accurate, Free/Fair Elections) 2022 ang Sarangani Police Provincial Office sa Alabel Gymnasium, Sarangani Province noong Pebrero 21, 2022.
Pinangunahan ito ni PLtCol Edgar Yago, DPDO kasama ang mga tauhan ng PCADU sa pangunguna ni PMaj Reynaldo Delantein, Chief, PCADU, at Alabel Municipal Police Station sa pamumuno naman ni PMaj Ludovico Rendaje, Acting COP.
Kabilang sa mga lumahok ang mga tauhan ng LGU Alabel, sa pangunguna ni Mayor Vic Paul Salarda, Department Heads, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Alabel.
Sa pangunguna si Pastor Gideon Quia, Values Information Officer, isinagawa ang simpleng Interfaith Prayer Rally kung saan nagbigay din ng mensahe si Samantha May S Sayson, Assistant Election Officer, COMELEC Alabel.
Ang lahat din ay nakiisa sa paglagda ng manipesto at nagtapos ang programa sa pagpapakawala ng puting lobo.
####
Panulat ni PCpl Mary Metche Moraera
Tunay n serbisyong publiko salamat sa mga awtoridad