Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Underground Mass Organization sa Barangay Garden, Arteche, Eastern Samar nito lamang ika-25 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Mark Daniel L Maraquilla, Officer-In-Charge ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, na si alyas “Barok”, 65 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Can-maria, Lapinig, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 801st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, kasama ang Provincial Intelligence Team Northern Samar, Provincial Intelligence Team Eastern Samar, Regional Intelligence Unit 8, 32nd Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF, 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company at Northern Samar Provincial Intelligence Unit.
Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 801st Maneuver Company, RMFB 8 para sa validation at facilitation ng kanyang pagsasailalim sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Ang pagbabalik-loob ng dating mga miyembro ng UGMO ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso nang wakasan ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na ligtas, payapa, at maunlad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian