Victoria, Laguna (February 21, 2022) – Naaresto ang Top 9 Most Wanted Person ng Region 4A sa isinagawang Manhunt Operation ng Victoria Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Nanhaya, Victoria, Laguna bandang 4:33 ng hapon ng Pebrero 21, 2022.
Ang naarestong suspek ay kinilalang si Erwin Aguilar, 33 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. San Roque, Victoria, Laguna.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na nilagdaan ni Hon. Mary Jean Tibo Cajandab, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 26, Sta. Cruz, Laguna para sa kasong Qualified Statutory Rape at walang rekomendang piyansa.
Ang Manhunt Operation ay bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), isang intel-driven at all-out police operation laban sa mga Most Wanted Person.
Ayon kay Police Colonel Rogarth Campo, Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office (PPO), ” Pinupuri ko ang mga kapulisan ng Victoria Municipal Police Station sa tagumpay ng operasyon. Sinisiguro namin na lahat ng wanted kabilang ang mga may kasong nasa arkibo ay maaresto sa lalong madaling panahon.
###
Panulat ni PEMS Joe Peter V Cabugon, RPCADU 4A
Galing at husay yan ang mga kapulisan saludo kami