Eastern Samar (February 20, 2022) – Arestado ang apat (4) na suspek na may kasong robbery hold-up sa isinagawang Entrapment Operation ng San Julian MPS, Canavid MPS, Taft MPS, Dolores Mps, Borongan CPS at ESPPO Provincial Intelligence Unit noong February 20, 2022 sa Eastern Samar State University Can-Avid, Eastern, Samar.
Ayon kay PCol Matthe Aseo, Provincial Director ng Eastern Samar PPO, kinilala ang mga suspek na sina Patricio Barbo Concan Jr, 21 years old, may asawa, residente ng Brgy. Carolina, Can-Avid, Eastern Samar; Joshua Alzate Colocado, 18 years old, single, residente ng Maslog, Eastern Samar; Benito C Tejerero, 24 years old, live-in partner, residente ng Brgy. 04 Can-Avid, Eastern Samar; at Daniel Mabignay aka “Abdula”, 27 years old, single, residente ng Brgy. Canteros, Can Avid Eastern Samar.
Ayon sa mga operatiba, gamit ng mga suspect ang kanilang ninakaw/karted na cellphone sa kanilang transaksyon kaya’t nang sagutin ng suspek ang tawag mula sa kanila, inutusan ng operating team ang biktima na makipag-deal sa suspek para ibalik ang telepono kapalit ng Php5,000.00 kung saan pumayag naman ang mga suspek. Nagpasya ang mga suspek na makipagkita sa biktima sa paligid ng Eastern Samar State University Can Avid.
Narekober sa mga suspek ang boodle money na aabot sa Php5,000 at ang cellular phone ng biktima. Narekober din sa mga huling naarestong suspek ang dalawang (2) karagdagang cellular phone.
Nasa kustodiya na ng San Julian MPS ang lahat ng suspek at iba pang nakumpiskang ebidensya, at inihahanda na ang kasong robbery para sa pagsasampa sa korte laban sa kanila.
Patuloy na paiigtingin ng hanay ng kapulisan ang paghuli sa mga suspect na nagtatago at gumagawa ng di naaayon sa batas upang saganun ay magkaroon ng katarungan ang kanilang mga nabibiktima.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez
Yan huli kayo mga kriminal salamat s mga pulis laging maaasahan