Isinagawa ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 10 ang isang matagumpay na school visitation at awareness lecture sa Balulang National High School sa Cagayan de Oro City nito lamang ika-23 ng Enero 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Colonel Virgilio R Buena, Chief ng RPCADU 10, kasama ang mga opisyal mula sa Barangay Balulang, kabilang si Police Chief Master Sergeant Chaplin Selares, Chief ng SCAD ng Police Station 4 CDO, at mga kinatawan mula sa Balulang BADAC, People’s Indigenous Group, at Balulang National High School.
Ang mga talakayan na itinampok ay isinagawa ng mga kasapi ng RPCADU10.
Una ay ang Anti-Illegal Drugs Campaign na pinangunahan ni Patrolwoman Danessa Berdos, kasunod ang Social Media Awareness na ibinahagi ni Patrolwoman Rheame Sanchez, at ang huling paksa ay ang Gender Equality o Anti-Bastos Law na ipinahayag ni Patrolwoman Kaye Francisco.
Ayon kay Police Colonel Buena, layunin ng ganitong mga aktibidad na magbigay kaalaman sa mga kabataan, lalo na patungkol sa mga batas na may kinalaman sa kanilang kapakanan.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, inaasahang magkakaroon ng mas malalim na pang-unawa ang mga mag-aaral sa mga isyu ng lipunan at matututong magpahalaga sa moralidad at disiplina.
Dinaluhan ito ng mahigit 120 na mag-aaral at layon ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng kabataan hinggil sa ilang mahahalagang isyu tulad ng Anti-Illegal Drugs Campaign ng PNP, Social Media Awareness, at Gender Equality o Anti-Bastos Law, sa ilalim ng Campaign Plan Eskwelahan ng Philippine National Police.
Binigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makinig sa mga mensahe mula sa mga representante ng Cagayan de Oro Police Station 4, BADAC, at People’s Indigenous Group, na nagbigay diin sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga awtoridad at komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.