Aabot sa mahigit Php9,520,000 ang halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Regional Intelligence Unit (RIU) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, Regional Office IX–Regional Special Enforcement Team, PDEA RO-X Lanao del Norte at Misamis Occidental Provincial Office na naganap bandang 12:12 ng hapon sa Zone Pineville, Barangay San Miguel, Iligan City nito lamang ika-22 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Regene Mark G Bacas, Chief ng Regional Intelligence Unit, ang mga suspek na sina alyas “Donya”, babae, 59 taong gulang at isa pang hindi kilalang lalaki na nasa legal na edad at napuruhan sa isang engkwentro habang nagsasagawa ng hot pursuit operation.
Ang mga awtoridad ay nakatanggap ng impormasyon ukol sa isang insidente ng pamamaril at nagpatuloy ang hot pursuit sa isang puting Toyota Fortuner na may plakang DCQ 4069 na sinakyan ng mga suspek.
Nakumpiska ang isang vacuum-sealed na plastik na naglalaman ng 1,000 gramo ng hinihinalang shabu, apat na knot-tied na plastic packs na naglalaman ng 400 gramo ng shabu, 14 na bundle ng Php1,000 boodle money at isang tunay na Php1,000 bill, isang brown paper bag na may label na “Watsons”, isang puting Toyota Fortuner na may plakang DCQ 4069 at susi nito.
Ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga operating personnel para sa matagumpay na pagkakakumpiska ng mga iligal na droga. “This operation reflects the dedication and determination of our personnel to combat illegal drugs in the region. PRO10 will continue to intensify efforts to intercept contraband and uphold the law across our jurisdiction. I urge the public to join us in this effort by staying vigilant and report any illegal activities to the authorities.”