Isinagawa ang Inspection at Validation Issued Firearms at Personal Protective Equipment sa Parang Municipal Police Station sa Barangay Poblacion 1, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-24 ng Enero 2025.
Pinangunahan ni Police Major Blayn M. Lomas-E, Chief of Police ng Parang MPS, ang naturang aktibidad na naglalayong masiguro ang maayos na kalagayan at kumpletong inventory ng mga armas at kagamitang proteksyon na ginagamit ng mga tauhan ng pulisya.
Sa nasabing inspeksyon, binigyang-diin ang kahalagahan ng wastong paggamit at pangangalaga sa mga kagamitang ipinagkaloob ng pamahalaan upang mapanatili ang kahandaan ng mga personnel sa pagtugon sa kanilang tungkulin, lalo na sa pagsisiguro ng seguridad at kaayusan sa komunidad.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinaigting na programa ng PNP upang matiyak ang pagiging epektibo ng mga frontline personnel sa pagtupad ng kanilang mandato sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya