Isinagawa ng mga tauhan ng Agusan del Norte Police Provincial Office ang PNP-COMELEC Joint Workshop bilang paghahanda sa 2025 National ang Local Elections and Bangsamoro Parliamentary Election na ginanap sa Agusan del Norte Police Provincial Office nito lamang Enero 22, 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel April Mark C Young, Provincial Director ng Agusan del Norte Police Provincial Office, katuwang si Police Colonel Restituto P Lacano Jr, Deputy Regional Director for Operations, at mga Battalion Commander ng 23rd at 29th Infantry Battalion Philippine Army.
Tinalakay dito ang mga nalalapit na aktibidad kaugnay ng eleksyon, mga update sa Deployment Plan, at isang tabletop workshop upang tukuyin ang mga hamon sa nakaraang eleksyon at ang mga dapat gawin para ito ay malutas.
Inilahad din ng mga Chiefs of Police kasama ang kanilang mga Election Officers ang kani-kanilang mga hamon at rekomendasyon.
Sinundan ito ng isang open forum upang makuha ang mga suhestiyon at puna ng lahat ng dumalo.
Nakipag-ugnayan din sa aktibidad si Atty. April Joy P. Balano, Provincial Election Supervisor ng Agusan del Norte, kasama ang iba pang mga City/Municipal Election Officers.
Layunin ng workshop na maghanda para sa 2025 National and Local Elections (NLE) at Bangsamoro Parliamentary Election (BPE).
“Agusan del Norte Police Provincial Office is prepared for the incoming NLE 2025 with the active support of COMELEC and other government agency, may this workshop inspire each one of us to do our duties with full of confidence for a safe and secured 2025 National and Local Elections in the whole province of Agusan del Norte,” ani PCol Young.
Panulat ni Pat Karen Mallillin