Hawak na ng mga kapulisan ng Dumaguete City ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 7, Barangay Talay, Dumaguete City, Negros Oriental noong ika-20 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Don Richmon Conag, Acting Chief of Police ng Dumaguete City Police Station, Negros Oriental Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Isloy”, 35 anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Nakuha mula sa suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 60 gramo at may Standard Drug Price na Php408,000, buy-bust money, at itim na belt bag.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang mga kapulisan ng Dumaguete City Police Station ay patuloy sa pagsusulong ng mga programa ng pamahalaan upang matuldukan ang problema sa iligal na droga upang magkaroon ng maunlad na bansa tungo sa isang Bagong Pilipinas.